Dengue sa Baguio umakyat sa 61%

Dengue outbreak idineklara sa Central Visayas

UMAKYAT sa 61 porsiyento ang kaso ng dengue ngayong taon kumpara sa nakaraang taon sa Baguio City kung saan apat na indibidwal ang kumpirmadong patay, ayon sa Baguio City Health Services Office (BCHSO) kahapon.

dengue sa baguio umakyat sa 61 - Dengue sa Baguio umakyat sa 61%
dengue 1 - Dengue sa Baguio umakyat sa 61%

UMAKYAT sa 61 porsiyento ang kaso ng dengue ngayong taon kumpara sa nakaraang taon sa Baguio City kung saan apat na indibidwal ang kumpirmadong patay, ayon sa Baguio City Health Services Office (BCHSO) kahapon.

Ayon kay BCHO dengue program coordinator Dr. Donnabel Tubera, naitala nila ang 474 kaso ng dengue sa Baguio mula Enero-Setyembre 9 nga­yong taon.

Sinabi ni Tubera, halos doble ang itinaas nito kung ihahambing sa 294 na kaso ng dengue na naitala sa kaparehong panahon noong 2018.

Sa report, ayon kay Tubera, apat na katao ang kumpirmadong namatay dahil sa dengue fever.

Dahil sa nasabing datos ay pinaiigting pa ng lokal na pamahalaan ng Baguio City ang kampanya upang labanan ang mga dengue-carrying mosquito at maiwasan ang pagkalat ng nasabing nakamamatay na sakit. (Allan Bergonia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *