Dela Rosa kumpiyansang lulusot parusang bitay

Kumpiyansa si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na makakalusot sa Senado ang panukalang ibalik sa bansa ang parusang kamatayan sa oras na umpisahan na ang debate tungkol dito.

The post Dela Rosa kumpiyansang lulusot parusang bitay first appeared on Abante.

dela rosa kumpiyansang lulusot parusang bitay - Dela Rosa kumpiyansang lulusot parusang bitay
abante bato dela rosa - Dela Rosa kumpiyansang lulusot parusang bitay

Kumpiyansa si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na makakalusot sa Senado ang panukalang ibalik sa bansa ang parusang kamatayan sa oras na umpisahan na ang debate tungkol dito.

Ayon sa senador, pito sa 24 senador ang may kanya-kanyang bersiyon ng death penalty bill at maaring mahikayat nila ang iba pang mga kapwa senador na suportahan ito ang naturang panukala.

“7 na kami nag-o-author ng bill na ‘yan. Alam namin ‘yung ibang senador na 50-50 baka ‘pag nadebatehan na ‘yan makumbinsi pa natin. So malaki ang fighting chance natin,” pahayag ni Dela Rosa panayam sa Teleradyo.

Sa kanyang inihaing panukala, isinusulong ng dating Philippine National Police (PNP) chief na ibalik ang death penalty para lang sa mga high-level drug-trafficker.

Nauna nang hiniling ni Dela Rosa na simulan na ang debate sa death penalty bill kasunod nang pagpaslang ng isang pulis sa mag-ina sa Tarlac noong Disyembre. (Dindo Matining)

The post Dela Rosa kumpiyansang lulusot parusang bitay first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *