Dela Cruz kuha ang tiwala ni Cone

WALANG sinayang na segundo si Art dela Cruz, Jr. sa minutong ibinigay sa kanya ni coach Tim Cone sa Ginebra.

The post Dela Cruz kuha ang tiwala ni Cone appeared first on Abante News Online.

dela cruz kuha ang tiwala ni cone - Dela Cruz kuha ang tiwala ni Cone
Abante 2019 Art dela Cruz - Dela Cruz kuha ang tiwala ni Cone

WALANG sinayang na segundo si Art dela Cruz, Jr. sa minutong ibinigay sa kanya ni coach Tim Cone sa Ginebra.

Isang taon at walong buwan na natengga si Dela Cruz dahil sa Achilles injury – hindi lang isa kundi dalawang beses pa.

Pagdating niya sa Gins noong 2017 mula Blackwater, hindi pa siya nakalaro.
Sa quarterfinals ng PBA Philippine Cup sa pagitan ng Gin Kings at Magnolia Sabado ng gabi sa Mall of Asia Arena, tinawag ni Cone ang numero ni Dela Cruz.

Pasiklab agad ang 6-foot-4 forward mula San Beda, nagsumite ng 14 points, 3 rebounds at 2 assists sa loob ng halos 24 minutes.

Malaking tulong si Dela Cruz sa 86-75 win ng Ginebra tungo sa 1-0 lead.
Masaya lang siyang nakarekober na mula ­injury.

“Hindi naman sa pagyayabang, mahirap kumuha ng playing time dito (sa Ginebra),” pahayag ng 26-anyos na anak ni dating San Miguel forward Art dela Cruz ,Sr. “Sa players pa lang, kailangan mong magtiyaga every practice. Mahirap kumuha ng tiwala.”

Laking pasasalamat aniya na sa dami ng gustong makapasok sa Ginebra ay siya ang nakuha.

Malaking bagay kay Dela Cruz ang tiyaga sa kanya ng team na naghintay bago guma­ling siyang tuluyan.

Balik si Dela Cruz at ang Gin Kings para subukang tapusin na ang best-of-three series sa Game 2 mamaya sa Smart Araneta Coliseum. (Vladi Eduarte)

The post Dela Cruz kuha ang tiwala ni Cone appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *