Del Rosario tinabla sa hong kong

Pinakilos ng Malacañang ang Department of Foreign Affairs (DFA) para tulu­ngan si dating DFA Secretary Albert del Rosario matapos hindi payagang makapasok sa Hong Kong kahapon.

The post Del Rosario tinabla sa hong kong appeared first on Abante News Online.

del rosario tinabla sa hong kong - Del Rosario tinabla sa hong kong
del - Del Rosario tinabla sa hong kong

Pinakilos ng Malacañang ang Department of Foreign Affairs (DFA) para tulu­ngan si dating DFA Secretary Albert del Rosario matapos hindi payagang makapasok sa Hong Kong kahapon.

Pinigilan ng immigration officers sa Hong Kong airport si Del Rosario pasado alas-siyete kahapon nang umaga gaya ng ginawang pagpigil kay dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales noong nakalipas na buwan.

Sinabi ni Justice Secretary Meynardo Guevarra na tumatayong Officer-in-Charge ng gobyerno, ipinasisilip na niya sa DFA ang ginawang pagharang kay Del Rosario sa Hong Kong airport.

Nais malaman ng kalihim kung ano ang dahilan kung bakit pinigil ang dating DFA secretary na makapasok sa Hong Kong.

“As OIC, I will request the DFA to find out the reason for former DFA’s exclusion and extend whatever assistance could be given to him as a former foreign minister of our country,” ani Guevarra.

Gayunman, sinabi ng kahilim na sa kanyang personal na pananaw, sana ay natuto na si Del Rosario at naging malinaw sa kanya ang nangyari kay dating Ombudsman Morales.

“Personally, I believe that the lesson derived from former Ombudsman Morales ‘ similar experience should have been clear,” dagdag pa ni Guevarra.

Samantala, agad nag-react si dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales at sinabi na kahit nagsampa sila ng kaso sa International Criminal Court (ICC) noong Marso ay nakakabiyahe pa si Del Rosario sa Hong Kong para sa buwanang board meeting.

Naniniwala siya na kaya ito na-ban ay dahil sa naging reaksyon nito sa nangyari sa mga Filipino fisherman kung saan ang hinihirit na joint probe ay lalong magpapalakas sa relasyon ng ‘Pinas at China.

Nakatakda sanang dumalo si Del Rosario sa ilang naka-schedule na pulong ng First Pacific kung saan isa siya sa board member.

Matatandaang sina Del Rosario at Morales ay nagsampa ng kasong crimes against humanity laban kay Chinese President Xi Jinping sa ICC dahil sa umano’y ginagawang pagtataboy ng China sa mga mangingisdang Pinoy sa karagatang sakop ng Pilipinas at ang pagsakop at pagtatayo ng mga istruktura sa ilang pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

May kinalaman kay President Xi Jinping

Naniniwala si Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson na may kinalaman sa reklamong inihain sa ICC laban kay Chinese President Xi Jinping ang insidente ng pagharang kay dating Secretary Albert del Rosario sa Hong Kong international airport kahalintulad ng sinapit ni dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales.

“That is not an assumption. It is what it’s all about,” sagot ni Lacson.
Gayunman, binigyang-diin ni Lacson na karapatan ng isang host country ang pag-deny sa access sa loob ng kanilang nasasa­kupan sa isang dayuhan.

Iginiit ni Lacson na ang visa ay isang privilege at hindi karapatan subalit ibang usapin na ang pagkulong.

“First, a visa is a matter of privilege and not a right, as far as a visiting foreigner is concerned, and therefore denial of entry is within the right of the host country,” paliwanag ni Lacson.

“Detention is another matter and the visitor is entitled to counsel and due process,” dagdag nito.

Obligasyon naman ng mga embahada at konsulada ang pagbibigay ng anumang tulong sa isang Pinoy.

Muli namang kinondena ni Senador Risa Hontiveros ang insidente na tinawag niyang isang uri ng harassment at paghihiganti.

Why did he go there?
Kinuwestyon ng Malacañang ang intensyon ni Del Rosario sa kanyang trip sa Hong Kong gayung alam nito ang nangyaring pagpigil din kay dating Ombudsman Morales noong nakaraang buwan.

“I cannot also understand the good ambassador, why he knew from the very start that the Hong Kong authorities have ‘detained’ former Ombudsman Morales. Of course, we can only speculate that it could have been in relation to the case filed against China,” sabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa interview.

Marso 2019 nang magsampa sina Del Rosario at Morales kasama ang isang grupo ng mga magngingisdang Pilipino ng kaso sa ICC laban kay Chinese President Xi Jinping tungkol sa WPS.

“If I were Del Rosario, I would have not gone to Hong Kong because I would be—I’m sure, I would have anticipated, that I would be going to the same ordeal like the former Ombudsman did. Now why did he go there? That’s my question to him,” dagdag ni Panelo.

Aniya, hindi maaring kuwestiyunin ng gobyerno ang ginawang pagpigil ng Hong Kong sa nasabing opisyal.

“That’s their exclusive domain. Whether or not a person is a security risk to them is for them to determine not us or not the country where that person or guest do belong,” ayon pa dito.

Sinabi ni Panelo na dapat ay nagsabi si Del Rosario sa Hong Kong authorities tungkol sa kanyang planong biyahe. (Aileen Taliping/Prince Golez/Dang Samson/Otto Osorio)

The post Del Rosario tinabla sa hong kong appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *