Del Rosario binira ni Duterte sa paggamit ng diplomatic passport

KINASTIGO ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario sa paggamit ng diplomatic passport gayong hindi na ito opisyal ng gobyerno.

The post Del Rosario binira ni Duterte sa paggamit ng diplomatic passport appeared first on Abante News Online.

del rosario binira ni duterte sa paggamit ng diplomatic passport - Del Rosario binira ni Duterte sa paggamit ng diplomatic passport
duetrte 2 - Del Rosario binira ni Duterte sa paggamit ng diplomatic passport

KINASTIGO ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario sa paggamit ng diplomatic passport gayong hindi na ito opisyal ng gobyerno.

Sa kanyang talumpati sa ika-122 anibersaryo ng Presidential Security Group (PSG) sa Malacañang Park noong Miyerkoles nang gabi, mistulang nilekturan ng Pangulo si del Rosario matapos sabihing wala itong ‘business’ para gumamit ng government diplomatic passport.

Idinetain (detain) aniya si del Rosario sa Hong Kong airport dahil gumamit ng diplomatic passport na hindi naman dapat.

“Naggamit-gamit ng passport na hindi naman dapat. When you are no longer an employee of government, you have no business using a government diplomatic passport,” anang Pangulo.

Matatandaang hinarang ng mga Immigration Officer si del Rosario sa Hong Kong airport noong Hunyo 21, 2019 at pinabalik sa bansa.

Iginiit ni Del Rosario na paglabag sa international treaty on diplomatic relations, partikular ang Vienna Convention ang ginawang pagdetini sa kanya sa Hong Kong airport.

Umani naman ng sari-saring reaksiyon ang ginawa kay del Rosario dahil hindi umano ibinigay ang angkop na pagtrato sa kanya ng host country bilang dating kalihim ng Department of Foreign Affairs. (Aileen Taliping)

The post Del Rosario binira ni Duterte sa paggamit ng diplomatic passport appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *