Death squad sa Negros Oriental iimbestigahan

Pag-aaralan ng Philippine National Police (PNP) ang diumano’y pag-iral ng Kawsa Guihulnganon Batok Komunista (Kagubak) death squad na hinihinalang nasa likod ng sunod-sunod na pagpatay sa Negros Oriental.

death squad sa negros oriental iimbestigahan - Death squad sa Negros Oriental iimbestigahan
Abante PNP - Death squad sa Negros Oriental iimbestigahan

Pag-aaralan ng Philippine National Police (PNP) ang diumano’y pag-iral ng Kawsa Guihulnganon Batok Komunista (Kagubak) death squad na hinihinalang nasa likod ng sunod-sunod na pagpatay sa Negros Oriental.

Ayon kay PNP chief General Oscar Albayalde, mag-iimbestiga sila hinggil sa nasabing grupo dahil ito umano ang unang pagkakataon na narinig niya ang Kagubak, na isa umanong anti-communist group.

“We will investigate that. I will have to talk to the PD there kasi bago ‘yung PD natin doon and I would have to talk with the RD kung totoo ‘yung existence ng death squad,” saad ni Albayalde.

Sa ginanap na hearing ng Senate Committee on Public Order nitong nakaraang Martes, sinabi ng ilang senador ang impormasyon hinggil sa Kagubak na mayroon pa umanong listahan ng mga prominenteng tao na lilikidahin sa Negros Oriental.

Kabilang umano sa hit list ng grupo ang 5 sa 21 napatay sa probinsya noong Hulyo.

Giniit ni Albayalde na iimbestigahan nito ang grupo, dagdag pa niya “‘Yung mga alam ko ‘yung iba or majority sa mga naging biktima ng patayan have only one in common, they have leanings on the left kaya nga tinitingnan natin dito baka puwedeng purging ito on their own kasi ginagawa nila ‘yan.

They sacrifice their own and then they blame the security forces, the AFP and PNP. So hindi na po bagong propaganda ‘yan itong mga left leaning groups na ito.”

Hiniling ni Senador Risa Hontiveros na protekta­han ng pulisya ang mga taong nasa listahan.

Samantala, ayon naman kay Senador Ronald Dela Rosa, kinakailangang malaman kung sino ang nasa likod ng grupong Kagubak para mahinto ang patayan sa nasabing lalawigan.(Edwin Balasa)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *