Death penalty sa 16 nanunog ng estudyante

death-penalty

PINATAWAN ng parusang kamata­yan ang 16 katao na sumunog nang buhay sa isang estudyante matapos tumanggi ang biktima na iurong ang reklamo niyang sexual harassment laban sa kanyang guro.

death penalty sa 16 nanunog ng estudyante - Death penalty sa 16 nanunog ng estudyante
death penalty1 - Death penalty sa 16 nanunog ng estudyante

PINATAWAN ng parusang kamata­yan ang 16 katao na sumunog nang buhay sa isang estudyante matapos tumanggi ang biktima na iurong ang reklamo niyang sexual harassment laban sa kanyang guro.

Nagmitsa ng mga protesta ang pagkamatay ni Nusrat Jahan Rafi, 19, noong Abril sa sa Bangladesh.

Dinala si Rafi sa rooftop ng eskuwelahan noong Abril 6, 2019, ilang araw matapos niyang i-report sa mga pulis ang paulit-ulit na panghihipo ng kanyang headmaster na si Siraj Ud Doula, ayon sa BBC News.

Tinakot siya doon ng lima katao na nakasuot ng burqas para iurong ang reklamo laban sa guro. Nang tumanggi si Rafi, dito na siya sinilaban nang buhay. Kabilang sa nahatulan ang dalawang kaklase ni Rafi, tatlong guro at mga local leader ng ruling Awami League party maging ang ilang pulis na napatunayang nakipagsabwatan sa mga suspek para palabasing nag-suicide ang biktimang estu­dyante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *