De Lima pumalag sa fake photo

Kinastigo ni Senador Leila de Lima ang walang habas na pagpapakalat ng maling impormasyon laban sa kanya sa social media para linlangin ang publiko at sirain ang kanyang magandang repu­tasyon.

de lima pumalag sa fake photo - De Lima pumalag sa fake photo
ABANTE ejk victims leia de lima - De Lima pumalag sa fake photo

Kinastigo ni Senador Leila de Lima ang walang habas na pagpapakalat ng maling impormasyon laban sa kanya sa social media para linlangin ang publiko at sirain ang kanyang magandang repu­tasyon.

Ito’y kasunod nang pagkalat sa social media ng edited photo na nagpapakita na naka-wheelchair siya at may suot na neck brace.

“Nakarating sa akin na isa na namang edited­ na larawan ko na nakasuot umano ng neck brace ang kumakalat online. Wala itong ibang layunin kundi linlangin ang publiko at palabasin na may iniinda akong karamdaman,” sabi ni De Lima.

“My health is in perfect shape and this edited­ photo was obviously made by paid trolls hell-bent to ruin, make fun of and discredit me,” dagdag pa nito.

Ang nasabing fake photo ay ipinost sa Facebook ng isang “Tamba­yan ni Berto” noong Oktubre 16 na may mensaheng: “Breaking News: Senator de Lima sinugod sa hospital.”

Ang edited photo, na hindi pa tinatanggal ng Facebook, ay inulan ng sangkatutak ng komento mula sa netizen.

Ayon kay De Lima, transparent umano siya sa publiko tungkol sa kanyang kalusugan at wala siyang karamdaman.

“Noon pa man, ini­hahayag ko sa publiko ang tunay na estado ng aking kalusugan. Hindi ako kailanman magsasakit-sakitan o manloloko ng kapwa para lang makakuha ng simpatya. Wala akong itinatago, nasa panig ko ang katotohanan,” ani De Lima. (Dindo ­Ma­tining)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *