De Lima nilektyuran ang pasimuno ng 2-year probi

LALO lang umanong maaabuso ang mga manggagagawa sa panukalang palawigin ang probationary period sa dalawang taon mula sa kasalukuyang anim na buwan.

de lima nilektyuran ang pasimuno ng 2 year probi - De Lima nilektyuran ang pasimuno ng 2-year probi
de lima 1 - De Lima nilektyuran ang pasimuno ng 2-year probi

LALO lang umanong maaabuso ang mga manggagagawa sa panukalang palawigin ang probationary period sa dalawang taon mula sa kasalukuyang anim na buwan.

Ayon kay Senador Leila de Lima, hindi umano makakatulong ang panukalang ito dahil matagal nang hinaing ng labor sector ang usapin ng kontraktuwalisasyon o end of contract (ENDO) labor practice.

“Pahahabain pa nito lalo ang paghihirap ng mga manggagawa. It is a fog in which to hide the real issue,” sabi ng senador sa isang statement.
“This is a mindless and heartless proposal, and at the core, anti-workers. Worse, it is antithetical to the long overdue anti-ENDO or security of tenure bill,” dagdag pa nito.

Nauna nang inihain ni Probinsiya Ako Party-list Rep. Jose Singson Jr. ang House Bill 4802 na naglalayong palawigin ang anim na buwan na probationary period sa dalawang taon.

Subalit giit ni De Lima, maaaring ma-exploit o samantalahin ng mga employer ang mga baguhang manggagawa kung gagawing dalawang taon ang probationary period.

“Perhaps those against the anti-ENDO bill and the forces behind this new proposal should be taught, in the words of Dickens, to shake hands every day with common sense and (labor) justice,” dagdag nito. (Dindo Matining)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *