De Lima dinikdik ni Ragos

Muling ipinagpatuloy ang pagdinig kahapon ng umaga ng Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) ng Branch 205 sa kasong illegal drug tra­ding laban kay Senadora Leila de Lima sa loob ng New Bilibid Prison (NBP).

The post De Lima dinikdik ni Ragos appeared first on Abante News Online.

de lima dinikdik ni ragos - De Lima dinikdik ni Ragos
Abante Leila de Lima - De Lima dinikdik ni Ragos

Muling ipinagpatuloy ang pagdinig kahapon ng umaga ng Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) ng Branch 205 sa kasong illegal drug tra­ding laban kay Senadora Leila de Lima sa loob ng New Bilibid Prison (NBP).

Dakong alas-8:30 ng umaga nang dumating si De Lima sa Muntinlupa RTC.

Sa ginanap na pag­dinig, muling nag-krus ang landas nina De Lima at Rafael Ragos, dating director ng National Bureau of Investigation at dating OIC ng Bureau of Corrections.

Sa pagdinig, idinetal­ye ni Ragos ang umano’y pagde-deliver niya ng pera sa bahay ni De Lima. Ang una ay noong Nob­yembre 24, 2012 at ang ikalawa ay noong Disyembre 15, 2012.

Noong panahong iyon ay kalihim ng Department of Justice (DOJ) si De Lima habang BuCor-OIC si Ragos.

Ayon kay Ragos, bawat delivery na galing daw sa high-profile inmate na si Hans Tan, ay aabot sa tig-P5M na personal niyang dinala sa bahay ni De Lima sa isang subdivision.

Si Ronnie Dayan, ang driver/assistant ni De Lima, ang kumuha ng deliveries.

Sa kasagsagan ng pagdinig ay iniutos kay Ragos na lapitan at i-identify si Dayan ngunit bahagyang natagalan si Ragos na maha­nap si Dayan.

Ipinagtanggol naman ito ng abogado ng saksi dahil maaaring nakaapekto raw ang pani­ngin ni Ragos kaya hindi agad nakita si Dayan.

Muling itinakda ang pagdinig sa nasabing kaso sa Hunyo 14, dakong alas-8:30 ng uma­ga.­­ (Armida Rico/Vick Aquino)

The post De Lima dinikdik ni Ragos appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *