DDR kailangan na matapos ang pagbayo ni ‘Rolly’

Panibagong panggising sa mga Pilipino ang katatapos na Super Typhoon Rolly na binugbog ang ilang lugar sa bansa lalo na ang Bikol kung saan mga 16 tao ang napatay, bukod sa ilan pang nawawala. Sadyang kailangan na nga ang panukalang Department of Disaster Resilience, ayon kay House Ways and Means Committee chairman, Albay Rep. Joey Sarte Salceda.

The post DDR kailangan na matapos ang pagbayo ni ‘Rolly’ first appeared on Abante.

ddr kailangan na matapos ang pagbayo ni rolly - DDR kailangan na matapos ang pagbayo ni ‘Rolly’
abante ddr - DDR kailangan na matapos ang pagbayo ni ‘Rolly’

Panibagong panggising sa mga Pilipino ang katatapos na Super Typhoon Rolly na binugbog ang ilang lugar sa bansa lalo na ang Bikol kung saan mga 16 tao ang napatay, bukod sa ilan pang nawawala. Sadyang kailangan na nga ang panukalang Department of Disaster Resilience, ayon kay House Ways and Means Committee chairman, Albay Rep. Joey Sarte Salceda.

Sinagasa ng napakalakas na 295 hanggang 319 kilometro bawat oras na hingin ni Rolly ang Kabikulan, lalo na ang mga lalawigan ng Catanduanes, Albay at Camarines Sur sa araw mismo ng Todos Los Santos. Matindi ang mga kasiraang iniwan nito na aabot diumano ng 10 taon bago maibalik sa dati. Naputol ang lahat ng komunikasyon sa Catanduanes, isang islang lalawigan.

Nagtamo ng pinakamaraming namatay ang Albay na dati ay ipinagkakapuri ang “zero casualty” sa siyam na taong panunungkulan ni Salceda bilang gobernador nito hanggang 2017.

Nagawa ito sa pamamagitan ng estratehiya niyang “Preemptive Evacuation.”

Dahil dito idineklara ng United Nations ang Albay bilang modelo nito sa ‘disaster risk reduction and climate change adaptation.” Ngayon, ito ang nagkaroon ng pinakamaraming namatay.

“Gaanong paghihirap pa ang kailangan nating danasin bago ipasa ang panukalang DDR Act?,” tanong ni Salceda na bumalangkas ng HB 5989, ang DDR bill.

Nitong nakaraang linggo, nanawagan si House Speaker Lord Alan Velasco sa Senado na ipasa agad ang DDR bill.

The post DDR kailangan na matapos ang pagbayo ni ‘Rolly’ first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *