DDR bill lumobo suporta

Lalo pang nadagdagan ang mga institusiyon at grupong nagtutulak na ipasa at maisabatas agad ang Department of Disaster Resilience (DDR) Act ng Senado kung saan ito nakabinbin.

The post DDR bill lumobo suporta first appeared on Abante.

ddr bill lumobo suporta - DDR bill lumobo suporta
abante ddr 1 - DDR bill lumobo suporta

Lalo pang nadagdagan ang mga institusiyon at grupong nagtutulak na ipasa at maisabatas agad ang Department of Disaster Resilience (DDR) Act ng Senado kung saan ito nakabinbin.

Ang paglikha ng DDR ay itinuturing na pinakamalinaw na balangkas na tugon sa mga kalamidad na lumilimit ang pananalasa sa bansa, kasama ang pandemic.

Ayon kay Albay Rep. Joey Salceda, House and Means Committee chairman at may-akda ng panukalang batas sa Kamara, ang DDR ang magiging pangunahing ahenya ng pamahalaan “na mangunguna, mangangasiwa at maguugnay-ugnay sa lahat ng hakbang at programa ng gubiyerno para maiwasan, mapaghandaan at mapagaan ang dagok ng mga kalamidad, makabangon sa mga ito at patuloy na isulong ang progreso ng bayan at lipunan.”

Sa tala, ang pinakahuling mga grupong sumuporta sa paglikha ng DDR, bukod sa iba pa, ay ang University of the Philippines Resilience Institute (UPRI), Greenpeace Philippines, at ang Local Climate Change Adaptation for Development (LCCAD).

Nakikiisa ang mga ito sa Kamara upang igiit na sadyang kailangan na ang pagpapatupad ng mabisang mga panuntunang inisyatibong tugon sa “disaster and climate emergency” sa bansa.

Noong isang buwan, inaprubahan ng House Committee on Disaster Resilience ang Resolution No. 535 ng Kamara na akda din ni Salceda, na nagdedeklara ng “disaster and climate emergency” sa bansa.

Itinuturing itong “una sa maraming hakbang” para sa tugong “whole-of-government, whole-of-society and whole-of-nation policy” habang kinakaharap ng Pilipinas ang isang “disaster and climate emergency.”

Sa isang pahayag, sinabi ng LCCAD na ang pagsasabatas ng DDR Act at pagdeklara ng “Disaster and Climate Change Emergency” ay magsisilbing susi upang mabisang matugunan, mapagaan at malagpasan ang mababagsik na hamon at banta ng mga kalamidad.

The post DDR bill lumobo suporta first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *