DDR Bill ihinirit sa Senado

Kung maisasabatas lang sana agad, mapapagaan nang husto ng Department of Disaster Resilience (DDR) ang bigat ng pananalasa ng mga kalamidad sa bansa.

The post DDR Bill ihinirit sa Senado first appeared on Abante.

ddr bill ihinirit sa senado - DDR Bill ihinirit sa Senado
abante senate - DDR Bill ihinirit sa Senado

Kung maisasabatas lang sana agad, mapapagaan nang husto ng Department of Disaster Resilience (DDR) ang bigat ng pananalasa ng mga kalamidad sa bansa.

Matatandaang naipasa na sa Mababang Kapulungan ang House Bill 5989 na lilikha DDR pero nakatengga pa rin ito sa Senado.
Unang ipinasa ng Kamara ang DDR bill na akda ni Albay Rep. Joey Salceda, noong 2018, ngunit inabutan ito sa Senado ng halalan ng taong iyon kaya hindi nakalusot.

Muli itong inihain ng mambabatas sa 18th Congress at ipinasa ng Kamara nitong nakaraang Setyembre.

Nabatid kay Salceda na chairman ng House Ways and Means Committee, umaasa siyang susuportahan ng mga senador ang panukala, lalo na at si Sen. Christopher Lawrence ‘Bong’ Go ang bumalangkas ng Senate version nito kung saan isinama niya ang ilang mahalagang tampok na ipinaloob din ni Salceda sa HB 5989 nang muli niya itong inihain.

Pinuri ni Salceda ang magagandang idinagdag ni Go sa unang panukala. Binigyan niya ng diin na sadyang kailangan ang “pagbabago ng pananaw at pag-iisip sa pagtugon sa mga kalamidad na malimit na nagaganap at nagdudulot ng ibayong hirap sa mga mamamayan, gaya ng dulot ng umiiral na Covid-19 pandemic.” Kapwa isinusulong nina Salceda at Go ang panukalang DDR na makailang ulit na ring tinukoy ni Pangulong Duterte bilang prayoridad na maisabatas laban sa iba’t ibang uri ng kalamidad.

The post DDR Bill ihinirit sa Senado first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *