DBP kaladkad sa P9.5B SEA Games scandal

Hiniling ni Senadora Risa Hontiveros sa Development Bank of the Philippines (DBP) na ilabas ang dokumentasyon kaugnay ng P9.5 bilyon loan na ini-release sa pagtatayo ng pasilidad na ginamit sa 2019 Southeast Asian (SEA) Games kabilang ang kontrobersyal na ‘cauldron’ o tinaguriang kaldero.

The post DBP kaladkad sa P9.5B SEA Games scandal first appeared on Abante.

dbp kaladkad sa p9 5b sea games scandal - DBP kaladkad sa P9.5B SEA Games scandal
abanet sea games - DBP kaladkad sa P9.5B SEA Games scandal

Hiniling ni Senadora Risa Hontiveros sa Development Bank of the Philippines (DBP) na ilabas ang dokumentasyon kaugnay ng P9.5 bilyon loan na ini-release sa pagtatayo ng pasilidad na ginamit sa 2019 Southeast Asian (SEA) Games kabilang ang kontrobersyal na ‘cauldron’ o tinaguriang kaldero.

“Nagpadala kami ng pormal na sulat sa DBP para makakuha ng dokumento na inaasahan naming magdedetalye ng bilyun bilyong loan,” pahayag ni Hontiveros sa virtual press conference nitong Miyerkoles.

“Target namin yung mga files around May 2018 at hiningi namin yung loan or credit agreement, signing authority, minutes of the meeting, mga relevant presentations, management memorandum ng loan sa MTD Berhad, at higit sa lahat, yung Counsel’s Opinion or legal sufficiency na galing sa counsel ng DBP,” dagdag nito.

“Umaasa kami na diringgin ng DBP ang aming request letter – in the spirit of transparency – upang hindi na kailanganin pang ipa-subpoena sa kumite,” sabi pa ng senadora.

“Matapos ma-approve ng DBM ang 2019 budget, natanggap na ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) ang P9.5 bilyon para sa SEA Games facilities. Ito ang ibininayad nila sa utang ng MTD Berhad. Ang ibinayad ng BCDA sa utang ng MTD Berhad sa DBP ay mula sa national budget. Mula sa kaban ng bayan,” sabi nito.

Ginawa ni Hontiveros ang pahayag kasabay ng muling panawagan sa Senado na imbestigahan na ang kontrobersiyal na joint venture agreement sa pagitan ng BCDA at developer MTD Berhad para sa konstruksiyon ng 2019 SEA Games facility.

“Importante ang imbestigasyon na ito dahil, sa sobrang galing ng mga chef sa transaksyong ito, parang may balak silang magluto uli,” ani Hontiveros.(Dindo Matining)

The post DBP kaladkad sa P9.5B SEA Games scandal first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *