DBM sopla kay Lacson sa kadamutan

Sinita ni Senador Panfilo Lacson ang Department of Budget and Management (DBM) sa pagbawas nito ng pondo para sa research and development (R & D) ng Department of Science and Technology (DOST) na nagkakahalaga ng P76 milyon.

The post DBM sopla kay Lacson sa kadamutan first appeared on Abante.

dbm sopla kay lacson sa kadamutan - DBM sopla kay Lacson sa kadamutan
ping 5 - DBM sopla kay Lacson sa kadamutan

Sinita ni Senador Panfilo Lacson ang Department of Budget and Management (DBM) sa pagbawas nito ng pondo para sa research and development (R & D) ng Department of Science and Technology (DOST) na nagkakahalaga ng P76 milyon.

“I heard in the news that S&T budget in DOST was slashed by P76M. May I know why? Is it our policy to allot a negligible portion of the budget to research and development?” tanong ni Lacson sa DBM sa budget hearing ng Senado.

Sabi ni Lacson, dapat pahalagahan ang research and development sa panahon ng pandemya para hindi na mag-angkat ng mga face masks at face shield mula sa ibang bansa.

“Pag kailangan ng PPEs, import. Pag kailangan natin ng face mask, import. Pag kailangan ng face shield, import. Pag sa vaccines naman nagmamakaawa tayo kung pwede tayo bigyan ng kaunting prayoridad, nakikiusap tayo sa ibang bansa,” sabi ni Lacson.

“I don’t think we have a dearth of native talent among scientists and technology experts. Gusto ko lang malaman ang policy ng government, bakit napakadamot natin sa R&D (research and development),” saad pa nito.

Paliwanag naman ni Budget Secretary Wendel Avisado, dinagdagan naman nila ang pondo ng DOST kasama ang attached agencies na mula sa P20.523 bilyon ngayong taon at ginawang P23.98 bilyon para sa 2021, o pagtaas ng 16%. (Dindo Matining)

The post DBM sopla kay Lacson sa kadamutan first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *