DBM naisahan ng P727M PPE supplier

Inaalam na ng Department of Budget and Management (DBM) kung iisa lang ang may-ari sa dalawang kompanyang nakakuha ng kontrata sa gobyerno para sa pagbili ng personal protective equipment .

The post DBM naisahan ng P727M PPE supplier first appeared on Abante.

dbm naisahan ng p727m ppe supplier - DBM naisahan ng P727M PPE supplier
abante dbm - DBM naisahan ng P727M PPE supplier

Inaalam na ng Department of Budget and Management (DBM) kung iisa lang ang may-ari sa dalawang kompanyang nakakuha ng kontrata sa gobyerno para sa pagbili ng personal protective equipment .

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na inamin ng DBM na nabigyan ng ng kontrata ang isang korporasyon na hindi blacklisted, subalit kapangalan ng isang kompanyang nasa kanilang blacklist.

Ito aniya ang dahilan kaya inaalam ng DBM kung kasali sa korporasyon ang may-ari ng blacklisted na kompanya.

“It turns out na mayroong isang entity na hindi siya corporation, isang proprietorship na blacklisted sa DBM at iniimbestigahan nila ngayon kung ang may-ari ng proprietorship ay siya ring majority owner ng kompanya, itong kompanyang blacklisted ay Ferjan Health Link Enterprises. Pero yung binigyan ng award ay Ferjan Health Link Philippines Incorporated,” ani Roque.

“Kapag na-verify nila na iisa lang ang may-ari ng mga kompanyang ito ay pinag-aaralan na ng legal ng DBM kung pupuwedeng makansela yung kontrata na na-award sa Ferjan Health Link Philippines Inc.,” dagdag ni Roque.
Ang kontrata ay nagkakahalaga mg P727 million para sa mga bibilhing PPE at medical supplies ng gobyerno.(Aileen Taliping)

The post DBM naisahan ng P727M PPE supplier first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *