DBM may P28.3B utang sa DOH, PhilHealth

HINDI dapat namamalimos ang Department of Health (DOH) at Philippine Health Insu­rance Corporation (PhilHealth) ng pondo sa Department of Budget and Ma­nagement (DBM).

dbm may p28 3b utang sa doh philhealth - DBM may P28.3B utang sa DOH, PhilHealth
DBM - DBM may P28.3B utang sa DOH, PhilHealth

HINDI dapat namamalimos ang Department of Health (DOH) at Philippine Health Insu­rance Corporation (PhilHealth) ng pondo sa Department of Budget and Ma­nagement (DBM).

Para kay Senate President Pro Tempore Ralph Recto, dapat awtomatiko nilang nakukuha ang kanilang share mula sa TRAIN Law.

Subalit para sa taong 2020, ang sin tax dividend ng dalawang ahenisya na aabot sa P28.3 bilyon ay hindi sigurado batay sa nakasaad sa Republic Act 11346. “This results in severe budget anemia,” sabi ni Recto.

Nakasaad umano sa RA 11346 o Sin Tax Law, ang 50 porsiyento ng excise tax collection sa sin at soda product ay dapat ilaan sa kalusugan.

“Batay sa 2020 budget, ang kabuuang utang ng Department of Budget and Ma­nagement (DBM) sa kanila mula sa sin tax collections ay P28.3 billion,” sabi ni Recto.

“Ang batas ay pinirmahan ni Pangulong (Rodrigo) Duterte. Alam niya kaya na hindi wasto ang pagpapatupad nito?” tanong pa nito.

Sa 2018, ang total collection sa alcohol ay P68.8 bilyon; P136.08 bilyon sa tabako; P38 bilyon sa sugar sweetened beverage o kabuuang P242.8 bilyon.

“Thus, the combined DOH-PhilHealth 50 percent should be P110.9 billion, net of other deductions. Following the 80-20 sharing, P88.72 billion should go to PhilHealth, and P22.18 billion to DOH-HFEP and medical assistance,” ani Recto.

Subalit sa panukalang 2020 national budget, makakatanggap lamang ang PhilHealth ng P67.3 bilyon o P31.42 bilyong mas mababa sa share na dapat nilang makuha.

Para naman sa DOH, ang HFEP ay dapat tumanggap ng P5.9 bilyon at P9.4 bilyon para naman sa medical assistance program, o P6.9 bilyon short alinsunod sa nakasaad sa batas.

(Dindo Matining)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *