DBM-Avisado ginisa sa P500M tongpats

Kinuwestiyon ni Senate Minority Leader Franklin M. Drilon ang pagbili ng Department of Budget and Management – Procurement Service ng medical supplies na aniya’y halos kalahating bilyong overpriced kumpara sa mga nabibili sa pribadong sektor.

The post DBM-Avisado ginisa sa P500M tongpats first appeared on Abante.

dbm avisado ginisa sa p500m tongpats - DBM-Avisado ginisa sa P500M tongpats
abante avisado - DBM-Avisado ginisa sa P500M tongpats

Kinuwestiyon ni Senate Minority Leader Franklin M. Drilon ang pagbili ng Department of Budget and Management – Procurement Service ng medical supplies na aniya’y halos kalahating bilyong overpriced kumpara sa mga nabibili sa pribadong sektor.

“There are a number of procurements done by the DBM-PS and based on our research, the prices were higher compared to the prices in the private sector,” sabi ni Drilon.

“From the three awards that we have studied alone, we could estimate that the total price was jacked up by almost half a billion. We could have saved around P422 million in taxpayers’ money if we exercised due diligence,”dagdag pa nito.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Finance sa panukalang budget ng DBM na pinamumunuan ni Secretary Wendel Avisado inihalimbawa ni Drilon ang procurement na ginawa ng ahensiya sa Pharmally Pharmaceutical Corp. ng 2,000 units ng Covid-19 test kits sa halagang P688 milyon o P344,00 per kit.

Sabi ni Drilon, ang pagbili ng DBM ay overpriced ng P208 milyon dahil ang naturang kit ay maaring mabili sa pribadong sektor ng P240K o P480 milyon para sa 2,000 units.

Overpriced din umano ang pagbili ng macherey nagel/nucleospin RNA virus preps kit sa Lifeline Diagnostics Supplies, Inc. Binili ang kit ng P108,304 isa o kabuuhang P73.1 million para sa 675 units. Subalit mabibili ang kit kada piraso sa private sector ng P47,199.

“For 675 units, the contract could have just amounted to P31.9 million as opposed to the procurement price of P73.1 million,” sabi ni Drilon .

Kasabay ang pagsabing overpriced ang computation ng P41.245 milyon.

Bukod diyan, ibinunyag din Drilon na overpriced ang procurement ng Universal Transport Medium na pharyngeal swab na binili ng DOH Biosite Medical Instruments sa halagang P415,638,000 para sa kabuuang 1,611,000 sets, o P258 per set.

Sabi ni Drilon, ang pagbili ay overpriced ng P173 milyon dahil kung titingnan ang produkto sa merkado ay P150 per set lang.

Pinuna din ni Drilon ang DBM-PS dahil sa hindi pag-ingat sa pag-award ng kontrata sa blacklisted company tulad ng kaso ng Ferjan Health Link Enterprises, isang sole proprietorship na nakakuha ng kontrata na nagkakahalaga ng P727M milyon.

(Dindo Matining)

The post DBM-Avisado ginisa sa P500M tongpats first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *