Dayuhang wanted huli sa NAIA

HINDI nakalusot sa mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino Internatio­nal Airport (NAIA) ang isang Canadian-American na umano’y tumakas sa kaso nitong panggagahasa sa 17-anyos na dalagita sa Subic, Zambales.

dayuhang wanted huli sa naia - Dayuhang wanted huli sa NAIA
naia 3 - Dayuhang wanted huli sa NAIA

HINDI nakalusot sa mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino Internatio­nal Airport (NAIA) ang isang Canadian-American na umano’y tumakas sa kaso nitong panggagahasa sa 17-anyos na dalagita sa Subic, Zambales.

Kinilala ni BI Port Operations Division chief Grifton Medina ang 54-anyos na dayuhan na si Fouad Bounab, na dumating noong Sabado nang gabi sa NAIA Terminal 3 sakay ng Air Asia flight mula sa Kuala Lumpur.

Nabunyag na si Bounab ay nasa talaan ng Interpol na naunang naglabas ng isang red notice laban sa dayuhan.

“He fled to Malaysia to evade prosecution for his crime. Fortunately, our counterparts in Malaysia were able to trace his whereabouts and he was arrested and brought back to Manila,” ayon sa BI.

Inireklamo si Bounab ng panggagahasa sa kanyang biktima nang maraming beses sa Subic, Zambales noong Marso 2018.

Inakusahan ng suspek ang kanyang menor de edad na biktima na nakipagtalik sa kanya sa pamamagitan ng social media para sa layunin ng prostitusyon at sekswal na pagsasamantala.

Gayundin, isang hiwalay na kaso sa paglabag sa Anti-Trafficking Act at Cybercrime Law ang inihain din laban sa suspek sa Caloocan RTC. (Mina Aquino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *