Davao Occidental nilindol ng magnitude 6.4

YINUGYOG ng magnitude 6.4 na lindol ang Davao Occidental kahapon nang umaga.

davao occidental nilindol ng magnitude 6 4 - Davao Occidental nilindol ng magnitude 6.4
ABANTE Phi­volcs - Davao Occidental nilindol ng magnitude 6.4

YINUGYOG ng magnitude 6.4 na lindol ang Davao Occidental kahapon nang umaga.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phi­volcs), naunang naitala ang lindol sa magnitude 6.1 subalit itinaas sa magnitude 6.4.

Nadiskubre ang epicenter ng lindol sa layong 130 kilomentro timog silangan ng Jose Abad Santos, Davao Occidental. Tumama ito sa bahagi ng karagatan.

Naramdaman ang ma­lakas na pagyaning sa lakas na Intensity IV sa ilang lugar. Naitala ang Intensity IV sa General Santos City at Intensity III sa Tampakan, South Cotabato; Kidapawan City; Makilala at Magpet, Cotabato; Davao City; Magsaysay at Sta. Cruz, Davao del Sur; Panabo City; Gingoog City, at Magsaysay, Misamis Oriental; Damulog at Kali­langan, Bukidnon.

Naitala rin ang Intensity II sa Cagayan de Oro City; Balingasag, Jasaan at Villanueva, Misamis Oriental; Kabacan, M’lang at Tulunan, Cotabato; Columbio at Tacurong City, Sultan Kudarat.

Ayon sa Phivolcs, walang naitalang nasira o nawasak ng lindol bagama’t may nakitaang mga bitak sa ilang gusali.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *