Davao City may 100 bagong kaso ng COVID

Naitala sa Davao City ang pinakaraming bagong kaso ng COVID-19 infection na umabot sa 100, base sa ulat ng Department of Health (DOH) hanggang alas-kuwatro ng hapon nitong Biyernes, Enero 1.

The post Davao City may 100 bagong kaso ng COVID first appeared on Abante.

davao city may 100 bagong kaso ng covid - Davao City may 100 bagong kaso ng COVID
abante davao city 1 - Davao City may 100 bagong kaso ng COVID

Naitala sa Davao City ang pinakaraming bagong kaso ng COVID-19 infection na umabot sa 100, base sa ulat ng Department of Health (DOH) hanggang alas-kuwatro ng hapon nitong Biyernes, Enero 1.

Sa DOH COVID-19 Case Bulletin No. 293, sinundan ang Davao City ng lalawigan ng Rizal na may 99 bagong kaso, 71 sa Cavite, 70 sa Quezon City, at 69 sa Maynila.

Umabot naman sa 1,765 ang bagong kaso ng COVID-19 infection kaya umakyat na sa 475,820 ang kabuuang bilang ng dinapuan ng naturang sakit.

Habang may 106 katao ang gumaling sa sakit kaya umabot na sa 439,895 ang kabuuang bilang ng nakarekober sa cornavirus.

Apat naman ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi kaya umakyat na sa 9,248 ang kabuuang bilang ng namatay sa bansa dahil sa COVID.

May 26,677 naman amg mga aktibong kaso. (Juliet de Loza-Cudia)

The post Davao City may 100 bagong kaso ng COVID first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *