Datos ng lindol sa Mindanao hiningi sa Phivolcs

HINILING ni Senador Richard Gordon sa Phili­ppine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na ilabas ang datos hinggil sa mga naganap na lindol at aftershock sa Mindanao para mabigyang kaalaman ang mga mamamayan sa kalagayan ng mga naapektuhang lugar.

datos ng lindol sa mindanao hiningi sa phivolcs - Datos ng lindol sa Mindanao hiningi sa Phivolcs
2019 Abante Lindol 1 - Datos ng lindol sa Mindanao hiningi sa Phivolcs

HINILING ni Senador Richard Gordon sa Phili­ppine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na ilabas ang datos hinggil sa mga naganap na lindol at aftershock sa Mindanao para mabigyang kaalaman ang mga mamamayan sa kalagayan ng mga naapektuhang lugar.

Sa liham na ipinadala ni Gordon kay Phivolcs Director Renato Solidum Jr., sinabi ng senador na ang magkakasunod na kalamidad na nangyari sa Mindanao ang nag-udyok sa Philippine Red Cross (PRC) para paghandain ang publiko sa emergency.

Kasabay nito hiniling ni Gordon ang updated seismic status ng Min­danao, kabilang na ang current fault reading. Gayundin ang historical data ng lindol sa lugar at ang seismic map ng Mindanao at ng Pilipinas.

“With your support, the Philippine Red Cross will be more effective in extending help to the most vulnerable Filipinos,” ani Gordon sa liham.

Ang PRC ay naging­ aktibo sa pagtulong at pagpapalawig ng kanilang serbisyo sa mga lugar na naapektuhan at nasira ng lindol sa pamamagitan nang pagbibigay ng ambulansiya, mga water tanker, mga medical tent na may generator at iba pang pa­ngangailangan ng mga sinalanta ng kalamidad. (Lorraine Gamo)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *