Datol nagpasalamat kay Duterte sa National Senior Citizen Commission

LABIS ang pagpapasalamat ni Congressman Francisco Datol, Jr., Kinatawan ng Senior Citizen party-list at pangunahing may-akda ng Republic Act No. 11350 o kilala sa tawag na National Senior Citizen Commission (NSCC) makaraang lagdaan ito ni Pangulong Rodrigo Duterte upang maging isang ganap na batas.

The post Datol nagpasalamat kay Duterte sa National Senior Citizen Commission appeared first on Abante News Online.

datol nagpasalamat kay duterte sa national senior citizen commission - Datol nagpasalamat kay Duterte sa National Senior Citizen Commission
ABANTE datol - Datol nagpasalamat kay Duterte sa National Senior Citizen Commission
 
 
LABIS ang pagpapasalamat ni Congressman Francisco Datol, Jr., Kinatawan ng Senior Citizen party-list at pangunahing may-akda ng Republic Act No. 11350 o kilala sa tawag na National Senior Citizen Commission (NSCC) makaraang lagdaan ito ni Pangulong Rodrigo Duterte upang maging isang ganap na batas.
 
Ang pagkakatatag ng NSCC ay taos-pusong ipinaglaban at isinulong ni Datol sa Kongreso upang mabigyan ng sariling tahanan na kakalinga sa kapa­kanan ng mga nakakatanda.
 
Ngayon na isa nang ganap na batas ang NSCC, inaasahang matutukan na nang maayos ang pagbibigay ng mga karampatang benepisyo ang lahat ng nakakatanda sa buong bansa na malaya at walang halong politika.
 
Ayon pa kay Datol, ang nasabing Commission ay pamamahalaan ng isang chairman at anim na mga commissioner na pipiliin mula sa mga hanay ng senior citizens organization sa buong kapuluan.
 
“Sinisiguro ko sa inyo na magkaroon ng wastong representasyon ang Luzon, Visayas at Mindanao upang ang lahat na benepisyo ay makararating sa mga nakakatanda sa buong kapuluan,” diin ni Datol.
 
Nagpasalamat din si Datol kina Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III at dating House Speaker Gloria Macapagal Arroyo dahil sa kanilang malasakit para sa lahat na nakakatanda ay naging bahagi sa matagumpay na pagsasabatas ng NSCC.

The post Datol nagpasalamat kay Duterte sa National Senior Citizen Commission appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *