Dating simbahan ng wanted na Pinoy priest sa Texas nilusob

DALLAS, TEXAS – Sa bisa ng search warrant ay sinalakay ng mga pulis ang isang simbahan sa Dallas, Texas para hanapin ang mga ebidensya laban sa puganteng Pinoy priest na si Edmundo Paredes na dating pastor sa St. Cecilla parish sa Oak Cliff sa Dallas na wanted sa pangmomolestya.

The post Dating simbahan ng wanted na Pinoy priest sa Texas nilusob appeared first on Abante News Online.

dating simbahan ng wanted na pinoy priest sa texas nilusob - Dating simbahan ng wanted na Pinoy priest sa Texas nilusob
priest 1 - Dating simbahan ng wanted na Pinoy priest sa Texas nilusob

DALLAS, TEXAS – Sa bisa ng search warrant ay sinalakay ng mga pulis ang isang simbahan sa Dallas, Texas para hanapin ang mga ebidensya laban sa puganteng Pinoy priest na si Edmundo Paredes na dating pastor sa St. Cecilla parish sa Oak Cliff sa Dallas na wanted sa pangmomolestya.

Napilitang kumuha ng search warrant sa korte ang mga imbestigador matapos na hindi umano makipag-tulu­ngan ang Dallas archdiocese sa mga detective na nag-iimbestiga sa sexual abuses ng mga alagad ng simbahan mahigit isang dekada na ang nakakalipas.

Hinahanap ng mga imbestigador ang mga secret archive na dumidetalye sa mga kahalayan ng mga Catholic priest na sangot sa sexual abuses na una ng pina­ngalanan ng archdiocese ng Dallas kung saan kabilang si Paredes.

Ayon sa Dallas Police, may itinatago umanong mahalagang impormasyon ang simbahan sa Dallas na makakatulong sa pag -usad sa ginagawa nilang imbestigasyon.

Taliwas aniya ito sa pangako ng naturang simbahan na makikipagtulungan para mabigyan ng hustisya ang mga biktima.

Hinalughog ng mga pulis ang bodega at opisina sa St. Cecilla Catholic Church kung saan dating nanilbihan si Paredes. Hindi na idinedtalye ng mga imbestigador kung ano ang mga nakuha nilang ebidensya.

Bukod sa sexual abuse ay nahaharap din sa kasong pagnanakaw si Paredes matapos nitong tangayin ang mahigit sa $1,000 pondo ng simbahan.

Nakaraang taon ay personal na inanunsyo­ ni Bishop Edward Burns ng Dallas ang pangmomolestiya at pagnanakaw ni Paredes sa pondo ng simbahan matapos na bigla itong mawala.

Malaki daw ang posibilidad na nagtatago sa Pilipinas si Paredes na may standing warrant of arrest sa Texas. (Dave Llavanes Jr.)

The post Dating simbahan ng wanted na Pinoy priest sa Texas nilusob appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *