Dating pulis dedo sa ambush

PATAY ang isang d­ating pulis matapos itong pagbabarilin ng isang hindi pa kilalang gunman na nakasakay sa isang van sa Catbalogan City, Samar kahapon nang umaga.

The post Dating pulis dedo sa ambush appeared first on Abante News Online.

dating pulis dedo sa ambush - Dating pulis dedo sa ambush
dead 7 - Dating pulis dedo sa ambush

PATAY ang isang d­ating pulis matapos itong pagbabarilin ng isang hindi pa kilalang gunman na nakasakay sa isang van sa Catbalogan City, Samar kahapon nang umaga.

Dead-on-the-spot dahil sa tinamong mga tama ng bala ang biktimang nakilalang si Roy Pagunsan, nasa hustong gulang at dating pulis.

Sa ulat na ipinadala ni Police Lt. Col. B­ella Rentuya, tagapagsalita ng Eastern Visayas Police Regional Office (PRO), naganap ang insidente dakong alas-7:10 nang umaga sa kahabaan ng Brgy. Mercedes ng nabatid na lungsod.

Napag-alaman na l­ulan ng kanyang motorsiklo ang biktima at pauwi na sana sa kanilang bahay nang sabayan ito ng isang van na walang plaka at pagtapat dito ay isang lalaking armado ng M16 na armalite ang rumatrat sa d­ating pulis.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang nasabing van at iwang nakabu-lagta ang biktima sa kanyang natumbang motorsiklo.

Napag-alaman na natanggal sa pagkapulis ang biktima noong 2016 matapos itong masangkot sa isang nakawan ng sasakyan subalit ang kaso ay na-dismiss ng korte at kasalukuyang nilalakad ng biktima ang kanyang pagbabalik sa serbisyo.

Nakakuha naman ng 16 na basyo ng bala ng M16 armalite rifle ang pulisya sa lugar ng pinangyarihan ng krimen habang patuloy ang imbestigasyon. (Edwin Balasa)

The post Dating pulis dedo sa ambush appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *