Dating police asset na tulak, timbog sa buy-bust

arrested-timbog-arestado

HINDI akalain ng isang dating asset ng pulis na siya naman ang madadagit nga­yon makaraang magbenta ng shabu sa isang police poseur buyer sa ikinasang drug buy-bust kamakalawa nang hapon sa Barangay San Perfecto, San Juan.

The post Dating police asset na tulak, timbog sa buy-bust appeared first on Abante News Online.

dating police asset na tulak timbog sa buy bust - Dating police asset na tulak, timbog sa buy-bust
arrested timbog arestado - Dating police asset na tulak, timbog sa buy-bust

HINDI akalain ng isang dating asset ng pulis na siya naman ang madadagit nga­yon makaraang magbenta ng shabu sa isang police poseur buyer sa ikinasang drug buy-bust kamakalawa nang hapon sa Barangay San Perfecto, San Juan.

Batay sa nakalap na report mula sa tanggapan ni Eastern Police District (EPD) Director PBGen. Christopher Tambungan, nakilala ang suspek na si Romeo Royo, alyas Miyo, 53-anyos at residente ng 22 F., Manalo St., Barangay Batis, San Juan City.

Ayon kay PCol. Ariel Fulo, hepe ng San Juan Police, sinira ni Royo ang tiwalang ibinigay ng mga tauhan ng San Juan City Police makaraang mahuli ito sa lantarang pagbebenta ng iligal na droga.

Nabatid na kasama sa listahan ng drug watchlist ng San Juan City Police Station si Royo na dati namang police asset subalit bigla umanong huminto sa pagbibigay ng tip sa pulis na piniling magtinda na lamang umano ng sampaguita pero sa kabila ng pagbebenta ng sampaguita ay pagsa-sideline naman sa pagtutulak ng shabu ang ginagawa.

Isinagawa ng mga tauhan ng San Juan Police ang buy-bust operation bandang alas-6:30 kamakalawa nang gabi sa kahabaan ng Blumentritt St., Brgy. San Perfecto nang makipagtransaksyon ang isang pulis sa suspek para makabili ng droga.

Hindi akalain ng suspek na ang dati niyang ginagawa ay siya naman ang madadagit ngayon makaraang magbenta ng shabu sa isang police poseur buyer.
Nakumpiska mula sa suspek ang isang sachet na naglalaman ng shabu.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa San Juan detention cell at nahaharap sa kasong paglabag sa Sec 5 at Sec 11 ng RA 9165 o Comprehensive Drugs Act of 2002. (Vick Aquino)

The post Dating police asset na tulak, timbog sa buy-bust appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *