Dating opisyal ng Bayan Muna-Bicol patay sa ambush

PINAULANAN ng bala ang dating opisyal ng Bayan Muna sa Bicol habang papunta sana sa Camarines Sur Capitol hall para pumasok sa trabaho kahapon nang umaga.

The post Dating opisyal ng Bayan Muna-Bicol patay sa ambush appeared first on Abante News Online.

dating opisyal ng bayan muna bicol patay sa ambush - Dating opisyal ng Bayan Muna-Bicol patay sa ambush
abante crime1 - Dating opisyal ng Bayan Muna-Bicol patay sa ambush

PINAULANAN ng bala ang dating opisyal ng Bayan Muna sa Bicol habang papunta sana sa Camarines Sur Capitol hall para pumasok sa trabaho kahapon nang umaga.

Agad nasawi makaraang magtamo ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang nakilalang si Neptali Morada, 40, dating campaign committee head ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) at residente ng Brgy. Carolina, Naga City.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente alas-7:30 nang umaga sa Zone 4, Brgy. San Isidro ng nabatid na lungsod.

Lulan ng kanyang motorsiklo ang biktima nang pagbabarilin ito ng suspek na lulan ng puting pick-up na agad tumakas makaraan ang pamamaril.

Patuloy ang follow-up operation ng pulisya sa posibleng pagdakip sa suspek.

Ang pagpatay kay Morada ay ikatlong insidente ng pagpatay sa miyem­bro ng militanteng grupo sa Bicol matapos ang unang pagpatay kina Ryan Mendoza Hubilla at Nelly Bagasala na pinagbabaril habang nakasakay sa traysikel sa Brgy. Cabid-an, Sorsogon City, Sabado nang umaga. ­(Edwin Balasa)

The post Dating opisyal ng Bayan Muna-Bicol patay sa ambush appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *