Dating minaltrato sa HK, Pinay negosyante na sa Japan

ISANG dating domestic helper sa Hong Kong na napilitang umuwi sa Pilipinas dahil sa naranasang pangmamaltrato ng amo, ang sinuwerte sa pagtatrabaho sa Japan at nagpapatakbo na ng sari­ling negosyo.

The post Dating minaltrato sa HK, Pinay negosyante na sa Japan appeared first on Abante News Online.

dating minaltrato sa hk pinay negosyante na sa japan - Dating minaltrato sa HK, Pinay negosyante na sa Japan
abante tayoto - Dating minaltrato sa HK, Pinay negosyante na sa Japan

ISANG dating domestic helper sa Hong Kong na napilitang umuwi sa Pilipinas dahil sa naranasang pangmamaltrato ng amo, ang sinuwerte sa pagtatrabaho sa Japan at nagpapatakbo na ng sari­ling negosyo.

Noong 2014, nagtrabaho si Jonalyn Tayoto bilang DH sa mayamang pamilya sa Kennedy Town sa Hong Kong. Subalit hindi naging maayos ang pagtatrabaho niya doon dahil palagi siyang pinag-iinitan ng among babae, hindi binibigyan ng pagkain at pinagtatrabaho ng mahabang oras.

Wala rin siyang maayos na tulugan dahil sa sofa lamang ito nagpapahinga at natutulog. Matapos ang tatlong buwan, nagdesisyon si Tayoto na bumalik na lamang ng Pilipinas.

Hindi sumuko sa kabiguan, nagdesisyon naman siyang tumu­ngo ng Japan bilang turista saka nagtrabaho doon sa isang sport bar at hotel. Habang nagtatrabaho sa hotel, doon na siya nagsimula sa pagbibigay ng payo sa mga Filipino migrant tungkol sa mga problema sa immigration.

Dahil sa kanyang abilidad, naisipan ng hotel owner na pakiusapan ang kaibigan upang ipahiram ang immigration consultancy license kay Tayoto upang ligal itong makapagtrabaho at makapagbukas ng sariling opisina.

Agad naman niyang itinayo ang Forza Consultants, isang negosyo sa pagkuha ng visa sa Nagoya, bahagi ng Aichi Prefecture sa Japan.

Naisipan naman ni Tayoto, ngayon ay 37-anyos, na bumisita sa Hong Kong at sariwain ang masaklap niyang karanasan sa pagtatrabaho dito. Sa ulat ng The Sun Hong Kong, nakausap pa ng Pinay ang may-ari ng agency na nagpahirap sa kanya at humirit na makisosyo sa negosyo pero tinanggihan niya ito.

The post Dating minaltrato sa HK, Pinay negosyante na sa Japan appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *