Date-rape drug pasok sa `dangerous list’

Isinama na sa listahan ng mga mapanganib na droga ang Gamma-Butyrolactone (GBL) na ginagamit diumanong date-rape drug.

date rape drug pasok sa dangerous list - Date-rape drug pasok sa `dangerous list’
ABANTE Gamma Butyrolactone - Date-rape drug pasok sa `dangerous list’

Isinama na sa listahan ng mga mapanganib na droga ang Gamma-Butyrolactone (GBL) na ginagamit diumanong date-rape drug.

Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino, ang GBL ay isang likido na ginagamit bilang solvent at minsan ginagamit din bilang recreational drug na nagme-metabolize sa katawan at gumagawa ng active substance na tinatawag na Gamma-Hydroxybutyrate o GHB.

Sa Pilipinas, ang GBL ay ginagamit bilang date-rape drug dahil ang malakas na pag-inom nito ay maaaring magresulta sa pagkaantok, pagkalito at pagkahilo. Kapag nakaramdam na ng mga ganitong sintomas ang nakainom ng nabanggit na droga ay nanghihina na ito laban sa sexual assault.

“This is another leap in our pursuit to regulate the manufacture, sale and illicit use of this substance that may lead to addiction,” ani Aquino.

Ayon kay Aquino, na ang pagdagdag sa GBL sa listahan ng mga delikadong droga ay dahil sa inaprubahang Dangerous Drugs Board (DDB) Regulation No. 4, Series of 2019.

Pinagtibay ang regulasyon noong Hunyo 27, 2019 at ipatutupad 15 araw matapos malathala sa dalawang pahayagan at matapos marehistro sa Office of the National Administration Register (ONAR) sa UP Law Center, Quezon City.

Ang DDB ang gumagawa ng mga patakaran at estratehiya habang ang PDEA) naman ang pangunahing ahensya ng gobyerno na nagpapatupad ng kampanya kontra iligal na droga sa bansa. (Dolly B. Cabreza)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *