Dapat gayahin ng ibang LGU: Yorme inaprub lahat permit sa telcos

Saludo si Interior Secretary Eduardo Año kay Manila Mayor Isko Moreno matapos nitong aprubahan lahat ng permit at clearance application ng mga telecommunications company para magtayo ng mga cell tower.

The post Dapat gayahin ng ibang LGU: Yorme inaprub lahat permit sa telcos first appeared on Abante.

dapat gayahin ng ibang lgu yorme inaprub lahat permit sa telcos - Dapat gayahin ng ibang LGU: Yorme inaprub lahat permit sa telcos
abante isko moreno 1 - Dapat gayahin ng ibang LGU: Yorme inaprub lahat permit sa telcos

Saludo si Interior Secretary Eduardo Año kay Manila Mayor Isko Moreno matapos nitong aprubahan lahat ng permit at clearance application ng mga telecommunications company para magtayo ng mga cell tower.

Ani Año dapat itong gayahin ng iba pang local government unit para mapagbuti pa ang serbisyo ng telecommunication sa bansa lalo na ngayong nagsimula na ang online class dahil sa coronavirus disease pandemic.

“Ang natira na lang ay 428 applications, puro bago na ito. Ibig sabihin ay complying at very commendatory po ‘yung Manila LGU under Mayor (Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso). Kasi ginawa nila, one-time lahat talaga ay in-approve nila, so no more pending in Manila. So I hope all other LGUs will follow,” wika ni Año.

Sa briefing kay Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi ni Año na kabuuang 1,171 telecommunication permit na ang naaprubahan.

“The world and the country have gone digital. Kailangan talaga natin itong (construction) ng mga towers because sa klase natin puro online classes. Last week, noong nag-usap tayo, 574 po ‘yung na-approve. Tumaas po ito, naging 1,171 this week. So ibig sabihin nadoble,” dagdag niya. (PNA)

The post Dapat gayahin ng ibang LGU: Yorme inaprub lahat permit sa telcos first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *