Dance showdown nauwi sa rambol, 1 patay

Patay ang isang lalaki matapos na mauwi sa rambulan ang pakikipag-dance showdown ng kanyang grupo, sa isang grupo ng mga lalaki na nag-iinuman rin sa loob ng isang resto bar Linggo nang madaling araw sa Tanay, Rizal.

dance showdown nauwi sa rambol 1 patay - Dance showdown nauwi sa rambol, 1 patay
Patay 1 - Dance showdown nauwi sa rambol, 1 patay

Patay ang isang lalaki matapos na mauwi sa rambulan ang pakikipag-dance showdown ng kanyang grupo, sa isang grupo ng mga lalaki na nag-iinuman rin sa loob ng isang resto bar Linggo nang madaling araw sa Tanay, Rizal.

Kinilala ang nasawing biktima na si Eris San Juan, nasa hustong gulang, ito ay nagtamo ng isang saksak sa katawan habang patuloy pang inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng suspek.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nabatid na bago ang krimen ay masayang nag-iinuman si San Juan at apat pa niyang kaibigan sa loob ng Barendilla Resto Bar, sa Brgy. Sampaloc, Tanay, alas-2:30 nang madaling-araw, habang nasa kabilang mesa naman ang grupo ng suspek.

Maya-maya ay nagkahamunan umano ang mga ito na magkaroon ng dance showdown ngunit kalaunan ay nagkapikunan, hanggang sa mauwi sa rambulan ang insidente.

Nagawa naman ng mga tauhan ng pamunuan ng bar na awatin ang kaguluhan at pinayuhan ang magka­bilang grupo na magsiuwi na lamang.

Nang sumakay ng tricycle ang grupo ng biktima ay doon na lang nila nalaman na nasaksak ang una matapos itong bigla na lang mawalan ng malay tao at mahulog ito habang nakaangkas sa driver’s seat ng traysikel.

Sinubukan pa itong dalhin sa pinakamalapit na pagamutan subalit idineklara na itong dead on arrival.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa kaso.(Edwin Balasa)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *