Dalagita ginahasa, pinatay sa sakal sa Batangas

rape3

MATAPOS halayin, walang awang sinakal hanggang sa mapatay ang isang dalagita ng isang 18-anyos na suspek sa Lipa City, Batangas kamakalawa nang madaling-araw.

The post Dalagita ginahasa, pinatay sa sakal sa Batangas appeared first on Abante News Online.

dalagita ginahasa pinatay sa sakal sa batangas - Dalagita ginahasa, pinatay sa sakal sa Batangas
rape3 - Dalagita ginahasa, pinatay sa sakal sa Batangas

MATAPOS halayin, walang awang sinakal hanggang sa mapatay ang isang dalagita ng isang 18-anyos na suspek sa Lipa City, Batangas kamakalawa nang madaling-araw.

Kinilala ang biktima na si Janna Mae Rico, 15-anyos, residente ng Rosewood 2, Subdivision, Brgy. San Lucas.

Natagpuan na lamang ng kaniyang mga kapatid ang walang saplot na katawan ng biktima sa loob ng kanilang tindahan sa ground floor ng kanilang row house na tinitirahan dakong alas-sais nang umaga kamakalawa.

Ayon kay Police Colonel Ramon Balauag, hepe ng Lipa City police, ginahasa muna ng suspek ang dalagita bago ito pinatay sa sakal dakong alas-dos nang madaling-araw habang natutulog ang dalawang naka­babatang kapatid ng biktima sa ikalawang palapag ng bahay.

Wala umano ang mga magulang ng mga bata na nagtatrabaho sa Maynila nang mangyari ang krimen.

Naaresto naman ng mga tauhan ng Lipa City police ang suspek na si Zyriel Limos, 18-anyos­ na out of school youth, sa pinagtataguan nito sa isang bakanteng rowhouse unit sa nasabi ring subdivision.

Positibo itong itinuro ng isang witness na siyang nakitang nanggaling sa bahay ng mga biktima noong madaling-araw.

Ayon pa kay Balauag, umamin ang suspek na ilang beses na rin niyang pinagnakawan ang tindahan ng biktima.

Nakakulong na ito ngayon sa Lipa City police station locked up cell at sasampahan na ng kaso. (Ronilo Dagos)

The post Dalagita ginahasa, pinatay sa sakal sa Batangas appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *