Dalaga kinaladkad, ginahasa sa damuhan

arrested-man-in-jail

DINAMPOT ng mga barangay tanod ang isang lalaki makaraang kaladkarin nito ang isang dalaga at gahasain sa damuhan sa Barangay Matictic, Norzagaray, Bulacan kamakalawa.

The post Dalaga kinaladkad, ginahasa sa damuhan appeared first on Abante News Online.

dalaga kinaladkad ginahasa sa damuhan - Dalaga kinaladkad, ginahasa sa damuhan
arrested man in jail - Dalaga kinaladkad, ginahasa sa damuhan

DINAMPOT ng mga barangay tanod ang isang lalaki makaraang kaladkarin nito ang isang dalaga at gahasain sa damuhan sa Barangay Matictic, Norzagaray, Bulacan kamakalawa.

Ayon kay PCol. Chito Bersaluna, hepe ng Bulacan PNP, naaresto ng mga barangay tanod bago nai-turn over sa pulisya si Ramon Manalo, 41-anyos, may asawa at nakatira sa nasabing barangay.

Nabatid na naglalakad ang biktimang itinago sa pangalang Jorie, nang harangin ni Manalo, kinaladkad sa madilim at madamong lugar at doon ginahasa.

Nagsumbong naman si Jorie sa mga nakasalubong na barangay tanod kaya naaresto si Manalo na sinampahan na ng kasong rape.

Nauna rito, dalawang lalaki, kabilang ang isang menor de edad, na kapwa may kasong panggagahasa ang naaresto ng pulisya sa magkahiwalay na operasyon sa San Miguel at Plaridel, Bulacan noong Hunyo 29.

Hindi nakapalag si Romel Cayanan, 37, nang arestuhin sa kanyang pinagtataguan sa Brgy. Tigpalas, San Miguel, Bulacan dahil sa mga kasong Rape by Sexual Assault at Attempted Parricide.

Naaresto rin ang 17-anyos na itinago sa alyas ‘Boyet’, na may kasong panggagagahasa. (Jun Borlongan)

The post Dalaga kinaladkad, ginahasa sa damuhan appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *