Dahil sa Covid! Pagdinig sa kaso ng mga gov’t official suspendido

Sinuspinde ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdinig sa mga kinakaharap na kaso ng mga opisyal ng gobyerno dahil sa umiiral na enhanced community quarantine sa Luzon.

dahil sa covid pagdinig sa kaso ng mga govt official suspendido - Dahil sa Covid! Pagdinig sa kaso ng mga gov’t official suspendido
abante duterte 9 - Dahil sa Covid! Pagdinig sa kaso ng mga gov’t official suspendido

Sinuspinde ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdinig sa mga kinakaharap na kaso ng mga opisyal ng gobyerno dahil sa umiiral na enhanced community quarantine sa Luzon.

Nakapaloob ito sa inilabas na Administrative Order no.29 ng Malacañang para may guidelines sa mga naaantalang appeals, review ng mga petisyon ,at pagsasampa ng administrative disciplinary cases laban sa mga opisyal ng gobyerno sa Office of the President .

Dahil sa ECQ ay mayroong travel restrictions partikular sa Luzon kaya sinuspinde muna ang pagdinig o pagproseso sa reklamo laban sa mga opisyal ng gobherno.

Para sa mga kasong itinakda sa loob ng panahong may quarantine, ire-reschedule na lamang sa ibang petsa at buwan ang pagdinig sa kaso ng mga inireklamong opisyal sa sandaling alisin na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ECQ.

Kabilang sa sakop ng direktiba ay ang disciplinary cases na isinampa laban sa mga gobernador, provincial board members, mayors, vice-mayors, city o town councilors, presidential appointees at iba pa.

Exempted naman sa direktiba ang mga trabaho ng mga abugado, law firms at postal services , at mga kasong maituruing na “urgent cases.” (Aileen Taliping)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *