Dahil sa ban, produktong karne sa Region 2 posibleng magkulang

Kung patuloy ang gagawing pag-ban sa mga pork product sa ilang bayan sa Region 2, maaaring magkakaroon ng shortage ng supply ng karne ng baboy sa nasabing lalawigan, ayon sa National Meat Inspection Service-Region 2 (NMIS-Region 2).

dahil sa ban produktong karne sa region 2 posibleng magkulang - Dahil sa ban, produktong karne sa Region 2 posibleng magkulang
karne ng baboy - Dahil sa ban, produktong karne sa Region 2 posibleng magkulang

Kung patuloy ang gagawing pag-ban sa mga pork product sa ilang bayan sa Region 2, maaaring magkakaroon ng shortage ng supply ng karne ng baboy sa nasabing lalawigan, ayon sa National Meat Inspection Service-Region 2 (NMIS-Region 2).

Ayon sa bagong talagang NMIS-R2 director Ronnie Ernst Duque, inaasahan nila na matatanggal ang pag-ban sa pagpasok ng mga pork products sa ilang probinsiya sa rehiyon bago ang Christmas season.

Sinabi ni Duque, bagama’t sapat pa ang kinukunsumong karne ng baboy sa rehiyon, maaari umano itong magkulang kung hindi tatanggalin ang pag-ban sa pagpasok ng karne ng baboy.

Dahil dito, ayon kay Duque, kinakailangang agad na masolusyonan ang isyu ng African swine fever (ASF) sa bansa para muling magbukas ng mga border sa mga lalawigan na may total ban sa pagpasok ng karne ng baboy.

Sa ngayon, mahigpit ang ginagawang checkpoint ng iba’t-ibang ahensiya tulad ng Department of Agriculture sa bayan ng Sta Praxedes, Cagayan at maging sa Nueva Vizcaya, Quirino at Isabela para matiyak na walang makakapasok na karne at alagang baboy sa rehiyon mula sa ibang lugar na may dalang ASF. (Allan Bergonia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *