Dahil sa bagyong ‘Goring’ Signal No. 1 nakataas sa Batanes

ISA nang bagyo at pinangalanang Goring ang Low Pressure Area (LPA) na una nang lumabas ng bansa subalit muling bumalik.

The post Dahil sa bagyong ‘Goring’ Signal No. 1 nakataas sa Batanes appeared first on Abante News Online.

dahil sa bagyong goring signal no 1 nakataas sa batanes - Dahil sa bagyong ‘Goring’ Signal No. 1 nakataas sa Batanes
ABANTE goring - Dahil sa bagyong ‘Goring’ Signal No. 1 nakataas sa Batanes

ISA nang bagyo at pinangalanang Goring ang Low Pressure Area (LPA) na una nang lumabas ng bansa subalit muling bumalik.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pag­asa), alas-siyete nang umaga noong Huwebes, Hulyo 18, nang ma-develop ang nasabing LPA sa West Philippine Sea at lumabas ng bansa alas-tres nang hapon ngunit muli itong pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) alas-siyete nang umaga kahapon, at tuluyang naging tropical depression Goring.

Huling namatayaan ang bagyo 190 kilometro ng Basco, Batanes at kumikilos sa bilis na 30kph, taglay nito ang lakas ng hangin na 45kph at bugso na 60kph.

Nakataas ang Signal No. 1 sa Batanes at inaa­sahan ang malakas na pag-uulan sa lalawigan dahil pinalalakas ang bagyo ng hanging habagat.

Hindi naman inaasahang tatama sa lupa ang bagyong Goring na inaasahang lalabas din ng PAR sa Sabado nang umaga.

Ang bagyong Goring ang ika-pitong bagyo na pumasok sa PAR ngayong taon. (Tina Mendoza)

The post Dahil sa bagyong ‘Goring’ Signal No. 1 nakataas sa Batanes appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *