Dagdag kontribusyon simula na sa Abril 1 — SSS

Simula sa Abril 1, 2019, magtataas ng singil sa kontribusyon ang Social Security System (SSS) bilang pagtalima sa inamyenda­hang Social Security Act of 2018 ni Pangulong Rodrigo Duterte.

The post Dagdag kontribusyon simula na sa Abril 1 — SSS appeared first on Abante News Online.

dagdag kontribusyon simula na sa abril 1 sss - Dagdag kontribusyon simula na sa Abril 1 — SSS
sss - Dagdag kontribusyon simula na sa Abril 1 — SSS

Simula sa Abril 1, 2019, magtataas ng singil sa kontribusyon ang Social Security System (SSS) bilang pagtalima sa inamyenda­hang Social Security Act of 2018 ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Base sa bagong batas, magi­ging 12 porsiyento ang dating 11 porsiyento ang kontribusyon na sisingilin sa next quarter ng taon at ang adjustment sa minimum at maximum Monthly Sala­ry Credits (MSC) na P2,000 at P20,000 ayon sa pagkakasunod.

Ayon kay SSS officer-in-charge Aurora Ignacio, panahon na para itaas ang contribution rates at MSC upang madagdagan ang ipon ng mga miyembro para sa kanilang retirement.

“We all want a comfortabl e retirement and to do that, those who are in their productive years must work hard to save more. SSS is the cheapest and most accessible pension scheme. All works, regardless of nature of employment, must save in the pension fund for their future retirement years,” sabi pa ni Ignacio.

Bukod sa contribution increase, i-aadjust din ang MSC sa P20,000 maximum na makakadagdag ng benepisyo sa mga miyembro ng SSS.

“The good news is that those who will save more with SSS under the new maximum Monthly Salary Credit of P20,000 will have higher amount of benefits and loan privileges as the Monthly Salary Credit is one of the main factors used in the computation of benefits and loan privileges. For example, a member whose monthly salary is 20,000 and has paid 12 contributions in the 12-month period before the semester of contingency of sickness will enjoy P600 in sickness benefit per day from the current P480 per day,” paliwanag ni Ignacio.

Inaasahang makakalikom ng karagdagang P31 bilyon ang ahensya sa nasabing dagdag si­ngil sa kontribusyon. Bukod dito, 13 taon ang nadagdag sa fund life ng SSS hanggang taong 2045.

The post Dagdag kontribusyon simula na sa Abril 1 — SSS appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *