Dabawenyo wagi sa Winter Youth Olympic medal design

GUMAWA ng kasaysayan ang tubong Davao na si Mishael Jacob Pueblas matapos na mapiling top 3 sa ‘Laussane 2020 Winter Youth Olympic Medal’ design.

The post Dabawenyo wagi sa Winter Youth Olympic medal design appeared first on Abante News Online.

dabawenyo wagi sa winter youth olympic medal design - Dabawenyo wagi sa Winter Youth Olympic medal design
pueblas - Dabawenyo wagi sa Winter Youth Olympic medal design

GUMAWA ng kasaysayan ang tubong Davao na si Mishael Jacob Pueblas matapos na mapiling top 3 sa ‘Laussane 2020 Winter Youth Olympic Medal’ design.

Ang disenyo ni Pueblas na “Wings of a Champion” ay isa sa nangibabaw sa halos 300 entry mula sa 60 mga bansa.

Maliban sa disenyo ng third placer na si Pueblas ay nasungkit ni Zakea Page ng New Zealand sa entry nitong “Beauty in Diversity” ang unang puwesto; pumangalawa si Johan Poizat ng France sa entry nitong “The Star of the Alps is You.”

Ibinahagi ni Pueblas ang magandang balita sa kanyang Facebook account at sa nagwaging disenyo ng medalya.

Ayon sa 30-anyos na Dabawenyo, inspired ng ginawa nitong disensyo ng medalya ay ang Olympic motto na “Citius, Altius, Fortius” (Faster, Higher, Stronger) na pawang karakter ng isang pakpak.

The post Dabawenyo wagi sa Winter Youth Olympic medal design appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *