Daan-daang patay na isda naglutangan sa dagat sa Las Piñas-Parañaque

Iniimbestigahan na ang sanhi ng pagkamatay ng mga isda sa dagat sa Las Piñas-Parañaque nitong Huwebes ng umaga.

daan daang patay na isda naglutangan sa dagat sa las pinas paranaque - Daan-daang patay na isda naglutangan sa dagat sa Las Piñas-Parañaque
mga isda patay sa dagat - Daan-daang patay na isda naglutangan sa dagat sa Las Piñas-Parañaque

Iniimbestigahan na ang sanhi ng pagkamatay ng mga isda sa dagat sa Las Piñas-Parañaque nitong Huwebes ng umaga.

Ayon kay PNP Maritime Unit-NCR chief P/Col. Jason Cipriano sa panayam sa telebisyon, natuklasan nila ang fish kill alas-6:30 ng umaga habang nagsasagawa ng clearing operations sa mga informal settler kung saan napansin na naglulutangan ang mga isda.

Natagpuan ang daan-daang patay na isda sa kahabaan ng Las Piñas-Parañaque coastal habitat ecotourism area.

Samantala, kumuha na ang BFAR at DENR ng water samples para madetermina ang sanhi ng fish kill gaya ng kung may nagtapon ng kemikal o ang pabago-bagong klima.

Batay naman sa Las Piñas City Agricultural Office, posibleng paghalo ng tubig-ilog at dagat ang ikinamatay ng mga isda pero hindi pa tiyak ang tunay na sanhi ng fishkill. (IS)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *