DA nagpasaklolo sa PCC sa sibuyas kartel

HUMINGI ng tulong ang Department of Agriculture­ (DA) sa Philippine Competition Commission para buwagin ang pinaniniwalaan nitong kartel sa industriya ng sibuyas.

The post DA nagpasaklolo sa PCC sa sibuyas kartel appeared first on Abante News Online.

da nagpasaklolo sa pcc sa sibuyas kartel - DA nagpasaklolo sa PCC sa sibuyas kartel
sibuyas 1 - DA nagpasaklolo sa PCC sa sibuyas kartel

HUMINGI ng tulong ang Department of Agriculture­ (DA) sa Philippine Competition Commission para buwagin ang pinaniniwalaan nitong kartel sa industriya ng sibuyas.

Sinabi ng PCC kaha­pon na pormal nang dumulog sa kanila ang DA.

Ayon sa PCC susuriin nito kung namamanipula ang presyo ng sibuyas at titignan nito ang iba pang mga factor na nakaka-apekto sa presyo tulad ng storage.

“Cold storage facilities form an important part in the value chain to prolong the shelf life of onions after harvest season,” sabi ng PCC.

Titingnan din ng PCC ang posibilidad na pinagdadamutan ang mga magsasaka sa storage facility pabor sa mga large trader at sisilipin din kung ang mga kontrata ng mga storage facility ay nakakadehado sa magsasaka.

Mandato ng PCC ang patas na labanan sa negosyo para mapababa ang presyo ng bilihin para sa mga consumer.

Maaring parusahan ng PCC ang sinumang mapatunayan nitong nangdedehado ng kompetisyon sa negosyo ng multang umaabot sa P250 milyon at hanggang pitong taong pagkakakulong. 

The post DA nagpasaklolo sa PCC sa sibuyas kartel appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *