DA kinalampag sa pakikialam ng DILG sa pork ban

DAPAT magdesisyon ang liderato ng Department of Agriculture sa isyu ng ban sa mga produkto ng karne ng baboy sa mga lalawigan bunsod ng problema ng African Swine Fever.

da kinalampag sa pakikialam ng dilg sa pork ban - DA kinalampag sa pakikialam ng DILG sa pork ban
pork - DA kinalampag sa pakikialam ng DILG sa pork ban

DAPAT magdesisyon ang liderato ng Department of Agriculture sa isyu ng ban sa mga produkto ng karne ng baboy sa mga lalawigan bunsod ng problema ng African Swine Fever.

Inihayag ito ni Presidential Spokesman Salvador Panelo kasunod ng nais ng Department of Interior and Local Government (DILG) na alisin ang ban sa mga pork product sa mga lalawigan.

Sinabi ni Panelo na mas mainam na mag-usap sina Secretary Eduardo Año at secretary William Dar para maayos na mapag-usapan kung ano ang magandang solusyon sa isyu ng ASF.

Posible aniyang mungkahi lamang ang naging pahayag ni Año lalo pa at hindi naman luma­la ang epekto ng ASF sa mga alagang baboy sa bansa.

“Siguro dapat ang mag-decide doon secretary of Agriculture. Di na siya yung…teritoryo nya. Baka suggestion lang naman iyon kay DILG secretary,” ani Panelo.

Isa ang Davao City sa agad nagpatupad ng ban sa pagpasok ng mga pork product sa lungsod matapos kumalat sa ilang lugar sa Luzon ang mga baboy na tinamaan ng African Swine Fever, na sinundan naman ng iba pang lalawigan. (Aileen Taliping)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *