Cynthia Villar hugas-kamay sa mga frontliner

Todo paliwanag si Senador Cynthia Villar kaugnay sa nauna nitong pahayag tungkol sa pagtutol nitong ibalik sa enhance community quarantine (ECQ) ang Metro Manila sa kabila ng kahilingan ng mga medical professional at medical worker.

cynthia villar hugas kamay sa mga frontliner - Cynthia Villar hugas-kamay sa mga frontliner
Cynthia Villar 1 - Cynthia Villar hugas-kamay sa mga frontliner

Todo paliwanag si Senador Cynthia Villar kaugnay sa nauna nitong pahayag tungkol sa pagtutol nitong ibalik sa enhance community quarantine (ECQ) ang Metro Manila sa kabila ng kahilingan ng mga medical professional at medical worker.

Sa panayam sa radyo noong Sabado, sinabi ni Villar na hindi maaring isarang muli ang ekonomiya dahil maraming tao ang magugutom. Sa halip, pinayuhan nito ang mga medical frontliner na pagbutihin na lang ang kanilang trabaho.

Dahil dito, pinutakti ng batikos si Villar mula sa mga netizen dahil sa pagiging iresponsable at insensitibo nitong pahayag sa mga health worker.
Pero depensa ng senador, hindi umano patama sa mga medical frontliner ang kanyang pahayag.

“GOVERNMENT leaders need to work harder to minimize the impact of the COVID-19 pandemic to the economy, the health sector and the people,” sabi ni Villar sa isang statement.

Aniya, ang pinatutungkulan na ay hindi lang ang mga frontliner kundi ang pangkalahatan kasama na ang Department of Health at Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).

“We have to work harder and better, but I am not referring in particular to the medical workers–our frontliners. We are referring to all of us and DOH and Philhealth in particular. There is so much room for improvement in the government’s response to curb the transmission of the disease,” paliwanag ng senadora.

“Alam ko po ang sakripisyo ng ating mga health frontliners. Buhay nila ang nakataya sa pag-aalaga sa ating mga kababayan na nagkaroon ng COVID-19,” sabi nito. (Dindo Matining)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *