Crop insurance palawigin

Muling nanawagan si Senador Imee na palawakin ang crop insurance para sa mga magsasaka sa harap ng hagupit ng bagyong Rolly na maminsala sa palayan, maisan, nyugan at mga taniman ng gulay.

The post Crop insurance palawigin first appeared on Abante.

crop insurance palawigin - Crop insurance palawigin
palay - Crop insurance palawigin

Muling nanawagan si Senador Imee na palawakin ang crop insurance para sa mga magsasaka sa harap ng hagupit ng bagyong Rolly na maminsala sa palayan, maisan, nyugan at mga taniman ng gulay.

“Posibleng maharap tayo sa matinding kakapusan ng bigas, mapipilitan tayong umangkat, at paulit-ulit na lamang ang hirap na kalagayan ng mga magsasaka. Kahit bago pa maipasa ang GAA 2021, dapat nating bigyan ng crop insurance ang mas maraming magsasaka ASAP [as soon as possible], ” diin ni Marcos.

“Kapag sila’y saklaw ng sapat na insurance, may tsansa silang makaahon sa nabulilyasong anihan. Hangga’t walang naipapasang kaugnay na lehislasyon, lagi na lang nganga ang mga magsasaka sa gitna ng kalamidad,” dagdag ng chair ng Senate committee on economic affairs.

Inihain ni Marcos ang Senate Bill 883 noon pang Agosto 2019 para maparami pa ng Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) ang 2.27 milyong magbubukid at mangingisda na naitalang insured laban sa mga kalamidad at pamemerwisyo ng mga peste, dahil 33.5% lamang ito ng kabuuang bilang nila. (Dindo Matining)

The post Crop insurance palawigin first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *