COVID vaccine hub itatayo sa ‘Pinas

Handang suplayan ng Russia ng COVID-19 vaccine ang Pilipinas sa oras na matapos na ang kanilang trial para sa nasabing bakuna.

covid vaccine hub itatayo sa pinas - COVID vaccine hub itatayo sa ‘Pinas
russia vax - COVID vaccine hub itatayo sa ‘Pinas

Handang suplayan ng Russia ng COVID-19 vaccine ang Pilipinas sa oras na matapos na ang kanilang trial para sa nasabing bakuna.

Nitong Biyernes, hinayag ni Russian ambassador Igor Khovaev na nais ng kanilang bansa na magsagawa ng clinical trial maging ng vaccine production hub sa Pilipinas sa oras na pumayag ang gobyerno ng bansa.

“We are ready to combine our efforts, we are ready to make the necessary investments with our Filipino partners and we are ready to share our technologies simply because we want to build a robust partnership between our two nations,” saad ni Khovaev.

Sa ngayon ay naghihintay na lang umano ng tugon ang Russia mula sa gobyerno ng Pilipinas.

“We don’t make promises. We make suggestions based on what we already know and what we have done. We are waiting for a feedback,” aniya pa.

Binida ni Khovaev ang bakuna na dine-develop ng Russia, na aniya’y maganda ang resulta sa clinical trial at posibleng maaprubahan na sa kalagitnaan ng Agosto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *