COVID test sa laway puntirya

Target ng grupong Project Ark na magamit sa bansa ang isang uri ng COVID test sa pinakamabilis na paraan sa pamamagitan ng paggamit ng saliva o laway.

The post COVID test sa laway puntirya first appeared on Abante.

covid test sa laway puntirya - COVID test sa laway puntirya
abante laway - COVID test sa laway puntirya

Target ng grupong Project Ark na magamit sa bansa ang isang uri ng COVID test sa pinakamabilis na paraan sa pamamagitan ng paggamit ng saliva o laway.

Sa Laging Handa press briefing, sinabi ni Dra. Minguita Padilla ng grupo Project Ark na mayroong isang uri ng COVID test na mura at mabilis malaman ang resulta.

Ang saliva antigen test aniya ay ginagamit na sa Israel at San Francisco sa Amerika at nais ng kanilang grupo na subukan ito sa bansa.

“Ang saliva antigen test,ito talaga hinihintay ng marami, kasi magagawa mo ito sa bahay. Ginagamit na ito sa Israel at San Francisco, USA. Dudura ka lang sa isang kit tapos malalaman mo na kung may COVID ka,” ani Padilla.

Maaari aniyang gamitin ang saliva test araw -araw dahil mura lamang ito at magagawang mag-test bago pumasok sa opisina o sa paraalaan.

Susubakan aniya ng kanilang grupo na maipasok sa bansa ang nabanggit na COVID test sa tulong ng ibang mga ahensiyang nakatutok sa paglaban sa COVID-19.

“Itong saliva test puwedeng gawing araw araw kasi one dollar lang ata. You can test before you go to school, before you go to the office. Game changer talaga ito kung maipasok sa Pilipinas. Susubukan na ipasok ito ng Project Ark together with of course with the FDA, RITM,”dagdag ni Padilla.(Aileen Taliping)

The post COVID test sa laway puntirya first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *