COVID test kit sa Marikina kakapusin na

Matapos bahain ang bahay ng mga residente dulot ng Bagyong Ulysses, sinabi ng alkalde ng Marikina na kukulangin na ang suplay ng COVID-19 test kit sa lungsod.

The post COVID test kit sa Marikina kakapusin na first appeared on Abante.

covid test kit sa marikina kakapusin na - COVID test kit sa Marikina kakapusin na
COVID test - COVID test kit sa Marikina kakapusin na

Matapos bahain ang bahay ng mga residente dulot ng Bagyong Ulysses, sinabi ng alkalde ng Marikina na kukulangin na ang suplay ng COVID-19 test kit sa lungsod.

Pero sa ngayon, ani Marikina Mayor Marcelino Teodoro, sapat pa ang suplay ng kanilang mga test kit.

“Ito nga, kinakapos kami. Meron pa naman pero nakikita ko, ilang araw buhat ngayon, kakapusin na kami,” bigkas ni Teodoro sa ABS-CBN’s Teleradyo nang matanong sa available na test kit sa Marikina.

“Meron lang kaming supply na 7,000 ngayon na test kits para sa rapid, meron kami sigurong supply na 5,000 test kits para sa PCR (polymerase chain reaction),” dagdag niya.

Hindi nilahad ng alkalde ang posibleng dahilan sa nakikita niyang kakapusan ng COVID-19 test kit, pero naghahanda sila sa posibilidad na magkahawaan sa mga evacuation center.

Magugunitang may 68-anyos na lalaking evacuee sa Barangay Barangka Elementary School na nagpositibo sa coronavirus kamakailan. Nagsagawa na ng virus rapid test sa iba pang evacuee roon. (SDC)

The post COVID test kit sa Marikina kakapusin na first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *