COVID test home kit aprub na sa Amerika

Inaprubahan na ng United States Food and Drug Administration ang unang COVID-19 test na maaaring gawin sa bahay at magbibigay ng mabilis na resulta.

The post COVID test home kit aprub na sa Amerika first appeared on Abante.

covid test home kit aprub na sa amerika - COVID test home kit aprub na sa Amerika
test - COVID test home kit aprub na sa Amerika

Inaprubahan na ng United States Food and Drug Administration ang unang COVID-19 test na maaaring gawin sa bahay at magbibigay ng mabilis na resulta.

Paliwanag ng ahensya, “The Lucira COVID-19 All-In-One Test Kit is a molecular (real-time loop mediated amplification reaction) single use test that is intended to detect the novel coronavirus SARS-CoV-2 that causes COVID-19.”

Ayon pa kay US FDA Commissioner Stephen Hahn, bagama’t pinapayagan umano na isagawa ang koleksyon ng COVID-19 diagnostic test, ito umano ang unang pagkakataon na maaaring isagawa ng isang indibidwal ang test at makakuha ng resulta sa kanyang bahay. Dagdag niya, “This new testing option is an important diagnostic advancement to address the pandemic and reduce the public burden of disease transmission.”

Gumagana umano ang test sa pamamagitan ng paglagay ng swab sample at nilalagay sa hand-held test unit na maglalabas ng resulta kung positibo o negatibo ang isang tao, sa loob lang ng 30 minuto. Maaari umano itong makuha nang may prescription sa mga 14-anyos pataas.

The post COVID test home kit aprub na sa Amerika first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *