COVID sumirit: Rizal stadium lockdown na!

Ikakandado ang Rizal Memorial Sports Complex matapos na lumobo ang kaso ng nag-COVID-19 positive na locally stranded individual (LSI) na pansamantalang pinatuloy sa nasabing lugar.

covid sumirit rizal stadium lockdown na - COVID sumirit: Rizal stadium lockdown na!
Rizal Memorial Sports Complex - COVID sumirit: Rizal stadium lockdown na!

Ikakandado ang Rizal Memorial Sports Complex matapos na lumobo ang kaso ng nag-COVID-19 positive na locally stranded individual (LSI) na pansamantalang pinatuloy sa nasabing lugar.

Ayon sa head ng ‘Hatid Tulong’ program na si Presidential Management Staff Assistant Secretary Joseph Encabo, isang araw na isasarado ang nasabing stadium para sa disinfection simula ngayong Huwebes, alas-9 ng umaga.

Ito’y matapos na umabot sa 48 ang nagpositibo sa COVID-19 rapid test para sa mga na-stranded na kababayan, na nilagay sa Rizal complex para mapauwi sa kani-kanilang probinsya na karamihan ay nagmula sa Visayas at Mindanao.

Nasa 6,583 ang bilang ng kasama sa nasabing programa, na dapat sana’y matatapos na noong weekend ngunit umabot pa ng ilang araw dahil na-delay umano ang proseso dahil sa ulan.

Sa ngayon ay wala nang LSI sa nasabing stadium nang makaalis na ang 1,017 na na-stranded patungong Zamboanga.

Dahil sa lockdown, inabisuhan din ang mga empleyado ng Philippine Sports Commission at Manila Department of Public Services na lisanin muna ang kanilang mga opisina.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *