COVID puntirya ang utak

Hindi lang baga ang dapat bantayan kapag tinamaan ng new coronavirus.

The post COVID puntirya ang utak first appeared on Abante.

covid puntirya ang utak - COVID puntirya ang utak
covid 6 - COVID puntirya ang utak

Hindi lang baga ang dapat bantayan kapag tinamaan ng new coronavirus.

Base sa bagong pag-aaral sa Amerika, nakitaan na nagkakaroon din ng sintomas na naapektuhan ang utak dahil sa COVID-19, ilan dito ay ang sakit ng ulo, pagkalito, at pagdedeliryo.

Sa report ng New York Times, nakitaan umano ng ebidensya sa ilang tao na nagpositibo sa sakit, na inaatake umano ng new coronavirus ang mga brain cell at dito nagpaparami.

Hindi pa klaro kung papaano nakakaabot ang naturang virus sa utak, ngunit ayon kay Yale University immunologist Akiko Iwasaki, sakaling mapatunayan ito ay lubhang magiging mapanganib ang COVID-19.

Ayon kay British neurologist Dr. Michael Zandi, kailangan pang pag-aralan ang naturang claim ng mga eksperto sa Amerika, na aniya’y madali lang masilip sa pamamagitan ng brain imaging para malaman kung talagang may epekto ang COVID-19 sa utak ng isang tao.

Ang naturang findings nina Iwasaki at kanyang mga kasamahan ay nasulyapan sa tatlong paraan: ito ay sa brain tissue ng tao na nasawi sa virus, sa daga, at sa organoids o paggaya ng brain structure sa laboratoryo.

The post COVID puntirya ang utak first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *