COVID pooled testing arangkada na

Ilalarga na ng gobyerno ngayong Huwebes ang pilot pooled testing sa bansa para sa mas maramihang pagtukoy sa mga posibleng kinapitan ng COVID-19.

covid pooled testing arangkada na - COVID pooled testing arangkada na
roque 5 - COVID pooled testing arangkada na

Ilalarga na ng gobyerno ngayong Huwebes ang pilot pooled testing sa bansa para sa mas maramihang pagtukoy sa mga posibleng kinapitan ng COVID-19.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na gagawin ang pilot testing sa Makati City matapos makumpleto ang requirements at pag-apruba ng Philippine Society of Pathologists.

Sa ilalim ng pooled testing, sinabi ni Roque na lima hanggang sampung tao ang gagamit sa isang test kit sa layuning mapataas pa ang testing capacity ng bansa sa COVID-19.

“We are piloting pooled testing where we can use single testing kit for five to ten individuals so that would exponentially increase our testing capacity, not just 32 thousand but minimum multiplied by five at least, 150 thousand,” ani Roque.

Kapag aniya lumabas na negatibo ang resulta, ibig sabihin negatibo sa infection ang lahat ng lima o sampung tao na kinunan ng specimen.

Pero kapag nagpositibo ang resulta, hahatiin ang bilang ng mga indibidwal na kinunan ng samples para muling isalang sa test hanggang sa matukoy kung sino sa mga ito ang talagang positibo sa COVID-19. (Aileen Taliping)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *